ria the entrepreneur
Ahoy! Akala niyo ba ay boring ang accountancy? Aba pwes nagkakamali kayo! Dahil ang accountancy lang ata ang course na pwedeng makagawa ng arcade!
At dahil jan, nakapagconceptualize na ko ng business ko pag kasing bongga na ko nila Dean!
Ang… *drumroll*
ACCOUNTANCY ARCADE!©™
(How ingenious of a title, eh??)
Sole Proprietor: Ria Angela Macagga (But willing to accept partners. May eventually incorporate, but will not offer an IPO ever.)
Game One: PukPukin ang Prof!
Game Mechanics: Para tong yung game na may lumalabas na daga or something, tas hahambalusin mo ng hammer. Pag na- hit mo, may points ka! Eto ang twist: Ang lalabas ay mga miniature profs sa Accountancy. Kelangan mo dapat ma-hit ang mga minor na profs. Pag major prof ang na-hit mo, deduction yun! Mas pahirap na prof, mas malakas ang hambalos! Perfect for de-stressing ang game na to. (PS: NO EFFORT POINTS)
Game Two: Racing!
Game Mechanics: Aba, sino ba naman ang ayaw mag-racing?? Lahat tayo gusto nito. Pero lalo na kaming mga Accountancy students! Xempre dahil racing, may car. Pero dahil bongga ako, pwede ka mamili sa madaming modes of transportation na ginagamit sa channels of distribution, ie truck, train, boat, plane. Mamimili ka din: FOB Shipping Point (charged sa buyer) or FOB Destination (charged sa seller). Kelangan mo ma-deliver ang goods sa customer in the fastest time possible AND the lowest cost incurred (computation required). Pag naaksidente ka at naka FOB Destination ka, bawas sa pera mo yun! Pero pag nanalo ka naman, doble ang winnings!
Game Three: Dance Revo!!
Game Mechanics: Eto rin ay isang crowd favorite sa mga arcade. Ang version ko nito ay ganito: Instead na arrow up down left and right, ang kelangan mo tapakan ay ang keypad ng calculator. Ayos ba? Hehe… Madali lang, ung lumalabas na number sa screen tatapakan mo, at di lang basta tapak! Instead na mamimili ka ng songs, ang pagpipilian mo ay sandamukal na formula sa pagcompute ng depreciation, ng adjusting entries, ng ending inventory at madaming madami pa talagang iba! Naka exercise ka na, nakapag review ka pa! Saya diba?!
Game Four: Virtual Shooting Game!
Game Mechanics: Basta eto yung game na bumabaril baril ka sa screen. Ganun din lang naman ang gagawin mo. Babarilin mo ang mga magnanakaw ng inventories mo! Sa end ng game, icocompute mo ang amount of shortage due to pilferage (pag may nakalusot). Pati na rin ang depreciation and miscellaneous expenses incurred dahil sa pagbababaril mo sa tindahan mo (ie gastos sa bala, repair ng walls and windows na nabasag, pati pang abuloy sa napatay mong magnanakaw i-compute mo na rin.)Kapag natalo ka at nasunog ang tindahan mo, iestimate mo ang ending inventory mo using gross profit rate of 30% based on cost.
Game Five: Hit the Bottle
Game Mechanics: Actually, pang perya ang game na to. Eto yung may array of bottles na umaandar tas babatuhin mo at pwede ka manalo ng bear. Pero para mas masaya, after ng game dapat mo macompute ang ending inventory of bottles mo, iba ang cost ng totally damaged sa partially damaged ha! Pag tama sagot mo, you can claim your prize!
Game Six: Billiards!
Game Mechanics: Pwede ba naman mawala ang all time favorite ko?? Pero nakakasawa na ang eight ball at nine ball… Dahil innovative kaming mga tao, instead na stripes at solids ang choice mo, ang pagpipilian mo ay assets or liabilities accounts… Kung gusto mo naman ng mala nine ball, instead na by number, according to liquidity of accounts ang tirahan! Kaya ano pa hinihintay mo?? I-shoot mo na baby!! Hahahahaha!!
Game Seven: Pukpok Meter
Game Mechanics: Eto yung game na minimeasure kung gano kalakas ang pukpok mo… Pero bago ka mag ala Samson ay mamimili ka muna ng “subject” (yung biktima mo, highly recommended ang prof para todo bigay talaga ang paghambalos, hehe!) Tapos go na! Ipukpok mo, the harder, the better!! AT!! Kapag yung totoong tao ang nailagay mo at napukpok mo, aba, sayo na ang arcade ko dear! Hahahahaha!!
Game Eight: Diner Dash, Accounting 2 Version
Game Mechanics: Kahit arcade to, may computer games parin! Syempre ang Diner Dash Accounting 2 Version ay tulad lang ng ordinary Diner Dash. Kelangan mo ibigay ang order ng mga demanding na customer. Pero eto ang twist: After ng game, dapat macompute mo ang dividends (kung corporation setting ang pinili mo) or profit according to p&l ratio (kung partnership setting naman ang gusto mo) Iwas ganid tayo dahil walang sole proprietorship option, haha!!
Game Nine: Game na Kumukuha ng Doll
Game Mechanics: eto yung game na favorite ng mga boyfriends na walang pambili ng regalo sa mga girlfriends nila. At walang dugas ang machine namin; once na perfect fit na ang desired toy mo, sure na makukuha na yun ng metal na mukang octopus tentacles. Kaya lang, ang dapat mong makuha ay yung toy na may label na included sa computation ng cash and cash equivalents. Otherwise, yung makukuha mong toy ay magsasabog ng “masamang gas” na amoy century egg mula sa isa naming classmate. Hehehehe!
AT ANO BA ANG PRIZE???
Dahil innovative talaga kong tao, ang prize ay itetreasure talaga ng mga adik sa calcu. Ang prize ay ang CALCULATOR NECKLACE!!
Ano ba to? Eto ay calcu na may lace sa dulo, kaya pwede mo siya isuot. (Comes in many sizes and colors) Most useful during exams lalo na pag maliit ang desk mo. Tipid ka sa oras ng lapag-kuha ng calcu. Aba, kahit nasaan ka pwede mo pa isuot, kahit sa mall kung gusto mong malaman kung ang offer bang installment payment sa gusto mong bilhin ay di talaga sulit or sa jeep kung bigla mong natripan magcompute ng grade mo sa accounting… Pwede rin siyang fashion statement, dahil pwede mapalitan ang lace nito Pinaka bongga ang 24K gold chain, na exclusively for CPA’s only.
BUT WAIT THERE’S MORE!
Ang calcung ito ay may sosyal version na pwede sa ibang courses din. Touch screen ang calcu na to, at pwedeng mapalitan ang modes: pwedeng financial calcu, scientific calcu, pati graphing calcu, at pati paggawa ng flowchart meron! At lightweight lang siya para di masakit sa neck. San ka pa??? Exclusive yan saAccountancy Arcade ©™ ko!
So what are you waiting for??? Maglaro na at magcollect ng ticket para mag-enjoy, matuto, at maka experience ng superb customer satisfaction!!
To buy tokens, you can pay in cash or cash equivalents. Major credit cards also accepted. Kung wala kang pera, ayos lang! We accept notes, (interest-bearing lang please), with the interest rate according to the prevailing rate. If you buy tokens in bulk, we offer trade discounts of 5% and 3%.
No comments:
Post a Comment